Sa inilabas na anunsyo ng Public Health Office of Camarines Norte, sinabi na pansamantala nitong lilimitahan ang kanilang pagtanggap ng pasyente matapos na muling may magpositibo sa COVID-19 sa kanilang mga empleyado
Samantala, tatanggapin naman umano nila ang mga emergency cases na hindi na maaring mailipat sa ibang pasilidad
Sinabi din na sila ay magsasagawa ng disinfection, contact tracing at pagquarantine sa mga empleyadong nagkaroon ng contact sa pasyente
Pinaalalahanan din ng tanggapan ang lahat na kung may sintomas ay agad na magpatingin sa pinakamalapit na Rural Health Unit

