Pinarangalan ni Camarines Norte PNP Provincial Director PCOL Marlon Tejada ang isang Job Order Employee ng Provincial Engineering Office kaninang umaga matapos itong magsauli ng napulot na mga alahas na nagkakahalagang Php. 800,000.00
Kinilala ang kawani ng Kapitolyo na si Ener B. Rojo, nasa hustong edad at residente ng Barangay III, Daet, Camarines Norte
Sa pahayag ni PCol Marlon Tejada, hiniling ni Rojo, ang good samaritan na isauli nito nang personal ang napulot sa may ari mismo ng mga alahas at sa harap ng opisyal ng PNP kung kaya’t personal na nagtungo si Rojo at itinurn-over ang mga ito sa harap mismo ni Mrs. Apolinario, at saksi na sila Camarines Norte Provincial Director PCol Marlon Tejada at ni PLCol Rogelyn Calandria hepe ng Police Community Affairs and Development Unit ng CNPPO sa mismong tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Barangay Dogongan
Kasabay ng personal na paggawad ng pagkilala ni PCol Tejada kay Rojo ay ang pabuya naman na Php. 20,000.00 mula sa may ari ng mga alahas
Ayon sa pahayag ng PNP-CNPPO, ang ginawang ito ni Ener ay karapat-dapat na papurihan, magsilbing halimbawa at inspirasyon sa mga CamNorteño

