Pinabulaanan ni Prime Water- Branch Manager, Engr. Mark Anthony F. Muroda ang isyu na umano’y pagsasara ng Boro-Boro Spring na siyang pinakamalaking pinagkukunan ng suplay ng tubig ng malaking bahagi ng Camarines Norte
Sa eksklusibong panayam ng Cool Radio News sa PWCN kahapon, nilinaw ni Engr. Muroda na hindi ang Boro-Boro kundi ang Magana Spring ang isinara na nagbibigay lamang ng tubig sa Tulay na Lupa kung kaya hindi nito apektado ang iba pang lugar sa lalawigan
Dagdag pa niya, ang Camarines Norte Water District(CNWD) ang may mutual agreement sa Magana Spring at hindi ang Prime Water
Nilinaw din ng Branch Manager na walang dapat ikabahala ang Tulay na Lupa sa pagsasara ng Magana Spring dahil mayroon pa ring Barangay Water System na magsusuplay ng tubig sa naturang lugar
Samantala, patuloy naman umano ang kanilang mga proyekto gaya na lamang ng Alawihao Shallow Well na makatutulong upang mas mapaganda at mapabuti ang serbisyo patubig para sa mga konsesyonaryo

