PROVINCIAL GOVERNMENT, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI NG CASH ASSISTANCE SA MGA GURO NG CAMARINES NORTE SA PANGUNGUNA NI GOVERNOR EDGARDO TALLADO

PROVINCIAL GOVERNMENT, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI NG CASH ASSISTANCE SA MGA GURO NG CAMARINES NORTE SA PANGUNGUNA NI GOVERNOR EDGARDO TALLADO

Nagsimula nang mamahagi ng communication cash assistance worth Php1000.00 sa bawat guro sa Camarines Norte ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Edgardo Tallado at ni 1st District Representative Josie Tallado nitong martes

Ito ay bilang bahagi umano ng pagkilala sa kadakilaan ng mga guro kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day nitong October 5, 2020

Maghapon ng October 6, 2020, katuwang ang Provincial Treasurers Office at SB-Paracale Councilor Amie Oco ay kanilang inuna ang distrito ng Paracale kung saan ang Paracale National High School, Batobalani Elementary School at Tabas High School ang nagsilbing venue ng sinabing assistance distribution

Sa mensahe ni Congresswoman Tallado, kanyang ipinaabot ang pasasalamat ng #SerbisyongTallado sa lahat ng mga guro, sa pangunguna sa kabila ng COVID-19 upang puksain ang kawalan ng kaalaman sa pagbabasa at pagsulat, at sa gayon wakasan ang malawak na kahirapan, upang sa wakas umano ay matawag nating progresibong bansa ang Pilipinas

Pinuri rin ni Board Member Artemio Serdon, SP-Committee on Finance ang mga guro na sila umanong nagtatanim ng positibong disiplina sa mga mag-aaral at nagsisikap na gawin ang lahat upang walang mapagiwanan lalo na ngayong panahon ng pandemya

Batay sa listahan na ipinasa ng DEPED, narito ang mga paaralan na nakatanggap ng nasabing assistance nitong martes:

  1. Paracale HS/ES
  2. Bagumbayan
  3. Palanas
  4. Tugos
  5. PV Moreno ES
  6. Gumaus HS/ES
  7. Macolabo ES
  8. Alfonso Dasco ES
  9. Batobalani HS/ES
  10. Capacuan ES
  11. Tawig ES
  12. Dagang ES
  13. Dalnac ES
  14. Malacbang/Ignacio Español
  15. Tabas ES/HS
  16. S. Basilio ES
  17. Mateo Era ES
  18. Mampungo ES
  19. Sta. Catalina ES
  20. Pinagbirayang Malaki ES
  21. Calaburnay ES
  22. Maximo Manarang HS
  23. Labnig ES

Sa mga susunod na araw, ang iba pang mga paaralan sa bawat bayan ng Camarines Norte ang tutunguhin ng grupo mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *