PAMILYA NG LALAKI NA NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG AT WALA NANG BUHAY SA DAET RIVER, HIMIHINGI NG HUSTISYA

PAMILYA NG LALAKI NA NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG AT WALA NANG BUHAY SA DAET RIVER, HIMIHINGI NG HUSTISYA

Hustisya ang sigaw ng pamilya at kaanak ni Ryan encinas, ang lalaking natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay sa Daet River, Magallanes Iraya, Daet, Camarines Norte nitong October 2, 2020

Ayon sa kapatid ng biktima, naging mabilis ang isinagawang imbestigasyon sa nasawing si Ryan at inilabas kaagad na pagkalunod lamang angdahilan ng pagkamatay nito

Duda ang mga kaanak ni Encinas at naniniwala umano ang mga ito nahindi lamang pagkalunid ang sanhi ng pagkasawi nito dahil may nakitang pasa sa ibabang bahagi ng katawan nito na parang palong dos por dos na kahoy

Salaysay pa ng pamilya nito na bago umano ang pangyayari, habang nakikipaginuman ay mayroon daw narinig sa lugar na nagtatalo, kasunod nito ang pagkawala ni Ryan

Nais muling paimbestigahan ng pamilya ang pangyayari at lahat ng nakainuman at nakasama ng biktima at nakikiusap sa mga ito na magsabi ng totoo upang makamit ang hustisya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *