MGA TERMINAL SA BAYAN NG DAET, SUMAILALIM SA INSPEKSYON NG PNP

MGA TERMINAL SA BAYAN NG DAET, SUMAILALIM SA INSPEKSYON NG PNP

Nagsagawa ng inspeksyon ang Daet Municipal Police Station sa mga terminal ng bus at jeepney sa bayan ng Daet, kamakailan

Kasunod ito ng pagtitiyak na nasusunod ang ipinatutupad na Minimun Standard Health Protocol sa mga pampublikong sasakyan

Sumailalim din sa inspeksyon ang mga sektor ng tricycle upang tiyakin ang patuloy na pagsunod sa “one passenger policy” at “No Backride Policy” sa ilalim ng implementasyon ng Modified General Community quarantine

Nagbigay paalala rin ang pamunuan ng mga kapulisan sa mga driver, konduktor maging sa mga pasahero sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask at face shield base sa ipinalabas na kaatasan ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa physical distancing at health protocol sa mga pampublikong transportasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *