Kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng labo, nagpalabas si Mayor Joseph Ascutia ng kautusan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng safety protocols sa naturang bayan
Partikular na tinukoy ang mga empleyado ng mga business establishments na kinakailangan nang magsuot ng faceshield bukod sa kanilang face masks
Gayundin naman sa mga transaksyon sa Pamahalaang Lokal ng bayan
Maghihigpit rin sa mga Senior Citizens at mga kabataang hindi kabilang sa Authorized Persons Outside Residence o APOR
Pinapayuhan ang mga ito na magbigay na lamang ng authorization sa kanilang mga kalapit na kaanak para sa anumang transaksyon sa labas ng kanilang tahanan
Papanagutin at papatawan naman ng kaukulang multa ang sinumang lalabag sa nabanggit na kautusan
Mababatid na ang bayan ng Labo ang pangalawa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan

