Nagsimula nang mamigay ng mga school supplies ang Sangguniang Kabataan ng Baragay Uno, Mercedes sa mga mag-aaral na nasa koleheyo at ALS Learners ng kanilang Barangay.
Kalakip nito ang kagamitan sa eskuwela kagaya ng yellow Pad, notebook, ballpens , correction tape, highlighter, plastic envelope, OTG, flashdrive, phoneholder, earphone, personalized washable facemask at faceshield.
Layon ng naturang programa ang matugunan at maisulong ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan sa kabila ng nararanasang pandemya.
Ang mga napiling mga benipisyaryo ay mula sa sinagawang Online Survey at ang mga magaaral na nagsumite ng kanilang proof of enrollment ay ang siyang makakatangap.
Habang ang pinagkunang budget ay mula sa limitadong pondo ng SK kung kaya’t sinuri sa pamamagitan ng validation at pagpasa ng hinihinging requirements ang mga mag aaral na nabiyayaan ng programa
Hangad naman ng buong konseho ng SK ng Brgy 1, Mercedes ay makatulong ito sa ilang mga magaaral na kabataan sa kabila ng COVID-19 pandemic.

