PGCN, PATULOY ANG PAMAMAHAGI NG TULONG PINANSYAL SA MGA GURO NG LALAWIGAN

PGCN, PATULOY ANG PAMAMAHAGI NG TULONG PINANSYAL SA MGA GURO NG LALAWIGAN

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ng communication cash assistance sa mga pampublikong guro sa lalawigan sa pangunguna ni Governor Edgardo Talllado.

Kabilang sa mga naging benipisyaryo ang mga guro ng Tulay Na Lupa Elementary School, Labo East District, Labo Central School, gayudin ang mga guro ng Iberica, Bautista, Malasugui, Dalas, Mabilo I, Mabilo II, Masalong, Claudio Villagen Elementary School ng Talobatib at ilang teachers sa Labo West District barangays katulad ng Talobatib, Mahawanhawan, Pangpang, Calabasa, Daguit, Maot, Pag-Asa, Malancao Basud at Submakin.

Layon nito na mabigyang karagdagang insetibo ang mga guro sa patuloy umanong pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga ito tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Umabot sa higit 400 teachers ang nakatanggap ng nasabing assistance.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga ito sa pamahalaang panlalawigan at sinabing malaking tulong ito sa kanilang pagtuturo.

Matatandaan na nagsimula ang pamamahagi ng Php1,000.00 communication assistance noong October 6, 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *