Nakalikom ng libreng mga gamot para sa Unang Distrito ng Camarines Norte ang tanggapan ni 1st District Representative Josie Tallado mula sa Department of Health sa pakikipag-ugnayan nito kay Secretary Francisco Duque III.
Mahigit Php100,000.00 ang halaga ng mga libreng gamot na natanggap ng distrito.
Ilan sa mga gamot na ipamamahagi ay Metformin (500mg), Losartin (50mg), Ascorbic Acid (100mg/5mL syrup), Amlodipine (5mg), Simvastatin (20mg), Gliclazide, Salbutamol (100mcg), Paracetamol (500mg)
Layon nito na makatulong na matugunan ang pangkalusugang pangangailangan ng mamamayan at makabawas sa mga gastusin lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Makikipag-ugnayan ang tanggapan ng kongresista sa Provincial Health Office maging sa Municipal Health Offices para sa distribusyon ng mga gamot sa mga mamamayan ng unang distrito.
Ipamamahagi rin umano ang mga ito sa mga mga isinasagawang Multi-Services Caravan at free medecine assistance programs sa lalawigan.

