Patay ang isang lalaki matapos itong makuryente nang mahawakan ang isang live wire habangtinatanggal ang isang tarpaulin sa gilid ng kalsada kahapon bago manalasa ang bagyong Quinta.
Kinilala ang biktima na si Rollyvic Quinito Romero, 33 anyos, residente ng Purok 8, Brgy 8, Daet.
Sa inisyal na report ng Daet PNP, naganap ang insidente kahapon, bandang alas 10:30 ng umaga sa Purok 1 Brgy 8 sa naturang bayan.
Sinubukan pang irevive ang biktima na agarang isinugod sa panlalawigang pagamutan ngunit idineklara na itong dead on arrivial ng sumuring doktor.
Hindi naman umano maituturing na kabilang ang pagkasawing ito sa mga insidenteng dulot ng bagyong Quinta ayon sa MDRRMO Daet.

