PINSALA NG BAGYONG QUINTA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA SA BAYAN NG DAET, UMABOT SA MAHIGIT PITONG MILYON PISO

PINSALA NG BAGYONG QUINTA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA SA BAYAN NG DAET, UMABOT SA MAHIGIT PITONG MILYON PISO

Umabot sa mahigit pitong milyong halaga ang pinsala ng nagdaang bagyong Quinta nitong nakaraang Linggo sa Bayan ng Daet.

Batay sa isinumiteng Final Damage-Report ng Municipal Agriculture Office sa tanggapan ni Mayor Ochoa, ito ay may kabuuang halaga na P7,283,843.23 sa sektor ng agrikultura.

Naitala ang pinakamalaking porsyon ng pinsala sa palayan kung saan inabot ito ng 5,736,006.43 piso.

Umabot naman sa P649,034.00 ang halaga ng pinsala sa mga pananim na gulay, P688,802 sa maisan habang P196,000,00 sa mga pananim na saging at P14,000.00 naman ang naidulot na livestock damage.

Samantala, wala namang naiulat na pagoverflow sa mga fishpond kung kaya’t walang naitalang pinsala pagdating sa pangisdaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *