Sa kabila ng umiiral na public standard health and safety protocols, umabot na sa 63 ang violators nito na naiulat na nahuli ng mga mga kapulisan ng Bayan ng Daet sa kasalukuyan.
Kabilang sa mga ito ang 45 indibidwal na nahuli na lumabag sa curfew hours, 14 na walang suot na facemasks sa mga pampublikong lugar, at 4 ang mga menor-de-edad na nasa labas ng kanilang mga tahanan.
Ang mga nasabing violaters ng protocols ay mananatili sa Agro Sports Center ng 12 oras at magsasagawa ng community service habang ang mga nahuling menor de edad na lumabag ay kinakailangang sunduin ng mga magulang o guardian bago palabasin.
Patuloy naman ang ginagawang pag-iikot ng PNP upang masiguro na ang mga umiiral na alituntunin ay nasusunod.
Hiniling din ng mga ito sa mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan upang makontrol ang pagkalat at tuluyan nang masugpo ang kasalukuyang kinakaharap na COVID-19 pandemic

