366 PUBLIC TEACHERS SA BAYAN NG CAPALONGA, NATANGGAP NA ANG CASH ASSISTANCE MULA SA PGCN

366 PUBLIC TEACHERS SA BAYAN NG CAPALONGA, NATANGGAP NA ANG CASH ASSISTANCE MULA SA PGCN

Tinungo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang mga pampublikong guro sa bayan ng Capalonga kahapon, October 29, 2020 upang ipamahagi ang laan na cash assistance para sa kanila.

Ito ay bahagi ng una nang naiulat na “Distribution of Cash Assistance for the Communication Expenses on the Landscape of Learning Delivery” ng pamahalaan na nagkakahalagang P1,000.00.

Nasa 366 mga guro ng naturang Bayan ang naging benipisyaryo ng nasabing insentibo.

Ang programaa ay naidaos  sa pangunguna ni Governor Egay Tallado at Congresswoman Josie Baning Tallado.

Kasama rin ang Provincial Treasurer’s Office, sina Board Members Artemio Serdon, Aida Dasco at Bong Quebral.

Nagkaloob rin si Cong. Tallado ng mga libro para sa mga teachers upang kanilang magamit na karagdagdang reference sa pagtuturo.

Ginanap ang aktibidades sa Capalonga Central School na matatagpuan sa Brgy. Poblacion, Capalonga.

Matatandaang nauna ng nakapagbigay ng cash assistance sa mga guro sa Paracale, Labo at Santa Elena at susunod na ding bigyan ang mga guro sa Jose Panganiban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *