Nagsagawa ng aerial survey si Governor Edgardo Tallado sa ilang bahagi ng lalawigan ng Camarines Norte kasunod ng pananalasa ng bagyong #RollyPH.
Sa ngayon ay inihahanda pa ang posibleng pamamahagi ng food packs ng gobernador sa Calaguas Group of Island sa Vinzons.
Samantala, binisita rin ang ilang bahagi ng Basud, Mercedes, hanggang sa Boundary ng Camarines Norte.
Layon nitong matulungan ang mga CamNorteño na nasalanta ng naturang bagyo katuwang ang Philippine Army, OCD-5, DSWD, Philippine Air Force at PDRRMO ng lalawigan.

