28 BABOY, ISNIAILALIM SA DEPOPULATION NG LGU DAET SA PAMAMAGITAN NG IMT KAHAPON

28 BABOY, ISNIAILALIM SA DEPOPULATION NG LGU DAET SA PAMAMAGITAN NG IMT KAHAPON

Nasa 28 piraso ng mga baboy ang bilang ng mga sumailalim sa depopulation kahapon na nasa loob ng 500 meter radius sa bahagi ng Barangay Camambugan kung saan naitala ang unang kaso ng ASF sa bayan ng Daet.

Pinatay ang mga baboy sa pamamagitan ng electrocution ang mga nasabing baboy at saka ibinaon sa lupa.

Apat ang ibinaon sa may nursery habang ang 24 naman ay sa dumpsite na may kabuuang 28 na baboy.

Ito ay alinsunod sa DA Administrative Order No. 22, series of 2020.

Alas otso ng umaga kahapon ng biyernes ng isagawa ang depopulation na inabot ng buong maghapon.

Sa unang pagpapatawag, labing limang hog raisers ang target ng MAO subalit walo lamang dito ang dumalo sa orientation isang araw bago ang depopulation.

Kahapon, sa actual na pagsasagawa ng proseso, sa walong hog raisers na dumalo sa orientation noong isang araw, ilan lamang sa mga baboy ng mga ito ang narekober dahil ang iba umano ay naibenta na.

Wala namang tinukoy na kaukulang penalidad ang MAO at DA sa mga nakapagpalabas ng baboy matapos itong makabilang sa inventory sa gagawing depopulation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *