MAYOR BENITO OCHOA, NAGLABAS NG OPISYAL NA PAHAYAG BILANG UPDATE SA NAITALANG UNANG KASO NG ASF SA DAET

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/12/608-asf-13.jpg

Naglabas ng opisyal na pahayag ang punong – bayan ng Daet, Camarines Norte bilang sa naitalang unang kaso ng African Swine Fever sa nasabing bayan.

October 30, 2020 nang maglabas ng ulat ang Department of Agriculture (DA) Regional Field Office na ang isa sa mga samples mula sa Bgry. Camambugan sa Daet ay nagpositibo sa naturang sakit.

Matapos matanggap ang balita ay agad umanong nakipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa barangay Council ng Camambugan at sa mga kinauukulan sa pamamagitan ng Incident Management Team (IMT) para sa Operation ASF upang mapigilan ang pagkalat nito.

November 6, 2020, nagsagawa ng depopulation ng 28 baboy, alinsunod sa DA Administrative Order No. 22, series of 2020.

Sinabi ni Ochoa na ang ginawang pagpatay sa mga baboy ay sa pamamagitan ng makataong pamamaraan.

Sa huling bahagi ng pahayag ng mayor, pinaalalahanan nito ang mga hog raisers na maglagay ng footbath, maglinis at magdisinfect ng mga kulungan araw-araw at huwag pakainin ng mga tira-tirang pagkain ang mga alagang baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.