CNPPO KATUWANG ANG ILANG AHENSYA NG GOBYERNO NAMAHAGI NG TULONG SA MGA NASALANTA NI BAGYONG ULYSSES SA CAMARINES NORTE

CNPPO KATUWANG ANG ILANG AHENSYA NG GOBYERNO NAMAHAGI NG TULONG SA MGA NASALANTA NI BAGYONG ULYSSES SA CAMARINES NORTE

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/01/cnppo-2-300x225.jpg

Nobyembre 15, 2020, Daet, Camarines Norte. Aabot sa tatlong-libong (3,000) kahon ng mga relief goods mula sa DSWD ang ipinamahagi ng Camarines Norte Police Provincial Office katuwang ang Philippine Army, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard sa mga barangay sa bayan ng Labo at Vinzons na lubhang nasalanta ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kabilang sa mga barangay na tumanggap ng tulong ay ang mga barangay ng Cabusay, Awitan, Bagacay, Fundado, Bakiad, Sta. Cruz, Exciban, Daguit, Malibago, at Guinacutan sa bayan ng Labo. Samantala sa bayan naman ng Vinzons ay tumanggap rin ng tulong ang mga barangay ng Mancayo, Cagbalogo, Singi, Sula, Banocboc, Mangkawayan, at Pinagtigasan.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/01/cnppo-1-300x225.jpg

Bukod sa pagsasagawa ng mga relief operations ay patuloy ang isinasagawang clearing operations ng mga kapulisan kasunod ng pinsala at pananalasa ni Bagyong Ulysses sa buong lalawigan.

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *