GOBERNADOR TALLADO PERSONAL NA TINANGGAP MULA KAY PNP CHIEF SINAS ANG MGA BAGONG POLICE PATROL VEHICLE PARA SA BAYAN NG BASUD AT VINZONS

GOBERNADOR TALLADO PERSONAL NA TINANGGAP MULA KAY PNP CHIEF SINAS ANG MGA BAGONG POLICE PATROL VEHICLE PARA SA BAYAN NG BASUD AT VINZONS

Nobyembre 26, 2020, Daet, Camarines Norte. Personal na tinanggap ni Gobernador Edgardo Tallado mula kay PNP Chief Debold M. Sinas ang mga bagong police patrol vehicle para sa bayan ng Vinzons at Basud. Ang nasabing turnover ng mga naturang behikulo ay isinagawa sa PNP Region 5 headquarters sa Legazapi city, Albay at dinaluhan rin ng iba pang mga alkalde at hepe ng pulisya ng ibaโ€™t ibang bayan sa kabikulan.

Tumanggap ng tig-iisang Toyota Hilux police patrol vehicle ang Vinzons at Basud Municipal Police Station sa Camarines Norte, Aroroy Municipal Police Station sa Masbate, Barcelona at Sta. Magdalena Municipal Police Station naman sa lalawigan ng Sorsogon.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/01/car-2-300x200.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/01/car-3-300x200.jpg

Ang mga nasabing behikulo ay malaki ang maitutulong sa patuloy na pagtataguyod ng kaayusan at kapayapaan ng mga kapulisan sa mga nabanggit na bayan sa kabikulan.

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published.