2,200 SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG DAET, NATANGGAP NA ANG KANILANG SOCIAL PENSION MULA SA DSWD

2,200 SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG DAET, NATANGGAP NA ANG KANILANG SOCIAL PENSION MULA SA DSWD

Natanggap na ng kabuuang 2,200 na senior citizens sa bayan ng Daet ang kanilang Social Pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Local Government Unit (LGU) ng Daet, kahapon, December 29.

Nagkakahalagang Php3,000.00 ang natanggap ng bawat benepisyaryo ng naturang Social Pension para sa anim na buwan.

Ayon kay MSWD Officer, Francia Favia, sinikap nila na maihabol ang pamamahagi ng naturang benepisyo bago ang pagsapit ng Bagong Taon kung kayaโ€™t patuloy ang kanilang ginawa na pag-follow up sa tanggapan DSWD.

Nagpasalamat naman ang mga senior citizen sa halaga na kanilang natanggap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.