PHP 9.4M MULA DSWD, NAIPAMAHAGI NA SA MGA TOTALLY DAMAGED NG BAGYONG ROLLY, ULYSSES SA UNANG DISTRITO

PHP 9.4M MULA DSWD, NAIPAMAHAGI NA SA MGA TOTALLY DAMAGED NG BAGYONG ROLLY, ULYSSES SA UNANG DISTRITO

Naipamahagi na ang Php. 9,498,000 na halaga mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Rolly at Ulysses sa Unang Distrito.

Umabot sa 3,166 na pamilya ang tumanggap ng tig Php3,000 na halaga bilang financial assistance batay sa datos na nakalap mula sa mga barangay na nakapasa sa assessment na isinagawa ng DSWD.

Ang nasabing halaga ay nakalap sa pamamagitan ng kinatawan ng Unang Distrito Josie Tallado, sa ilalaim naman ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)

Kung maalala, una nang tinungo ng kinatawan ang limang bayan na sakop nito upang mamahagi ng tulong pinansyal katuwang ang Provincial Welfare and Development Office (PSWDO) mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala, para sa taong 2021, inaasahang aabot sa Php45M ang makukuhang pondo ni Cong. Tallado batay sa pakikipag-ugnayan niya sa tanggapan ng DSWD na higit na mataas sa nakalap nitong pondo noong taong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *