Pormal nang sinimulan ang konstruksyon ng Camarines Norte Provincial Hospital Annex sa Barangay San Pedro, Bayan ng Sta. Elena sa ilalim ng administrasyong Tallado.
Matatandaan na ginanap ang Ground Breaking Ceremony ng itinatayong establisyimento noong October 9 ng nakaraang taon kung saan pinangunahan ito ng gobernador ng lalawigan Edgardo Tallado kasama si 1st District Representative Josie Tallado na dinaluhan rin ng Camarines Norte-Sangguniang Panlalawigan Members.
Mababatid na ang bayan ng Sta. Elena ay isa sa mga malalayong bayan ng probinsya at isa umano sa malaking problema ng mga residente rito ay ang pag dadala sa ospital ng kanilang mga kaanak na may karamdaman.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Sta Elena dahil napakalaki umanong tulong sakanila ang pagkakaroon ng isang ospital dahil hindi na kailangan pang dalhin sa Calauag at Lopez, bahagi ng Quezon gayundin sa Daet ang isang pasyente upang mabigyan lamang ng health assistance.