BIYAHE NG MGA PAMPASADANG BUS AT VAN PALABAS NG CAMARINES NORTE, POSIBLENG MAIBALIK NA SA PEBRERO!

Enero 14, 2021, Daet, Camarines Norte. Posibleng maibalik na sa huling linggo ng Enero o di kaya’y sa unang linggo ng Pebrero ang mga biyahe ng pampublikong bus at van palabas ng Camarines Norte, iyan ay base sa naging pagpupulong nina LTFRB Regional Director Antonio Gardiola at Camarines Norte Governor Edgardo A. Tallado kahapon (Enero 13, 2021).

Kinumpirma ni Gobernador Tallado ang napipintong pagbabalik ng mga biyahe patungo sa ibang probinsya ng kabikulan at maging patungo ng Metro Manila oras na maisa-pinal na ang bubuohing guidelines para sa pagbabalik biyahe ng mga public buses at vans sa lalawigan.

Parte ng mga inaasahang guidelines ay ang pagsunod ng mga bus at van sa minimum health protocols tulad ng limited seating capacity, physical distancing, at disinfection/sanitation. Mananatili pa rin umano ang mahigpit na pagbabantay sa mga provincial borders at ang paghingi ng mga kaukulang dokumento para sa mga indibidwal na papasok o lalabas sa probinsya.

Sa mga susunod na araw ay babalangkasin na ng LTFRB (Land Transportation Franchise and Regulatory Board) at IATF (Inter-Agency Task Force) ang Technical Working Guidelines ng pagbabalik byahe ng mga pampasadang bus at van sa probinsya.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *