MULTI-SERVICES CARAVAN, INIHATID NG PGCN SA 470 HOUSEHOLDS SA LABO

MULTI-SERVICES CARAVAN, INIHATID NG PGCN SA 470 HOUSEHOLDS SA LABO

Nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo ang nasa 470 households sa ginanap na Multi-Services Caravan sa Barangay Mabilo I, Labo, Camarines Norte.

Ilan sa mga serbisyo na inihatid ng caravan ay ang libreng gamot, gupit, dental services, libreng reading glasses, food packs at iba pa.

Ang programa ay naisakatuparan sa pangunguna nina Governor Edgardo Tallado, Congresswoman Josie Tallado at Provincial Administrator Alvin Tallado.

Bukod sa caravan services na natanggap ay isa rin ang Barangay Mabilo 1 sa mga barangay na magiging benipisyaryo ng itatayong Flood Control Structure na nagkakahalagang mahigit P100M.

Samantala, sa mensahe ni Prov. Admin. Alvin Tallado, sinabi nito na patuloy ang pagsuporta niya kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga kagayang programa para sa taumbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *