ALTERNATE SCHEDULE SYSTEM SA PAMMASADA NGT MGA TRICYCLE SA BAYAN NG DAET, MULING IPATUTUPAD!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/01/tricycle.jpg

Enero 17, 2021, Daet, Camarines Norte. Simula bukas nang lunes (Enero 18, 2021) ay muling ipatutupad ang alternate schedule system ng pamamasada ng mga tricycle sa bayan ng Daet, iyan ay base na rin sa TRB Resolution No. 02-2021 na inaprubahan ng Tricycle Regulatory Unit ng Sangguniang Bayan ng Daet sa naging pagpupulong nito noong nakaraang Enero 4, 2021.

Ang nabanggit na hakbang ay nauna nang hiniling ng samahan ng mga tricycle driver sa bayan at agad namang pinagbigyan ng TRU (Tricycle Regulatory Unit). Mula sa dating coding system ay pansamantala munang magiging palitan ang schedule ng aabot sa dalawang libo at walong raang (2800) tricycle sa bayan.

Kinabukasan ay ang mga tricycle na may numerong 0001 hanggang 1400 lamang ang maaring mamasada at sa susunod na araw naman ay ang mga may numerong 1401 hanggang 2800. Dahil sa nabanggit na hakbang ay inaasahang pansamantalang mababawasan ang volume ng traffic sa sentro ng bayan dahil sa mas kumonting bilang ng mga pumapasadang tricycle.

Mula sa dating dalawang libong tricycle na araw araw pumapasada ay magigi na lamang itong isang libo at apat na raan (1400). Ang nasabing sistema ay magiging epektibo hanggaโ€™t hindi ito pinapawalang bisa ng Sangguniang Bayan ng Daet.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published.