Enero 20, 2021, Daet, Camarines Norte. Balik biyahe na simula sa unang linggo ng Pebrero ang mga pampublikong bus at van papasok at palabas ng lalawigan ng Camarines Norte, iyan ay base sa ipinalabas na anunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte kagabi (Enero 19, 2021).
Ang pagbabalik biyahe ng mga nasabing pampublikong sasakyan ay magsisimula lamang oras na makapag comply na ang mga operator sa mga kondisyon at mga requirements na hinihingi ng LTFRB (Land Transportation Franchise and Regulatory Board) upang mabigyan ang mga ito ng Special Permit.
Kinakailangan rin na sumunod ang mga pampublikong sasakyan sa mga minimum health standards na inilatag ng IATF. Ilan sa mga patakarang ito ay ang mga sumusunod:
a. 60% passenger capacity sa mga pampublikong sasakyang nasa loob ng Camarines Norte
b. 50% passenger capacity sa mga pampublikong sasakyang palabas ng Camarines Norte
c. Pagdaan sa mga Quarantine Control Checkpoints ng mga pampublikong sasakyan
d. Pagsumite ng mga required Travel documents ng mga pasahero
e. Pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong sasakyan.
Oras na mai-sumite na ng mga operator/kooperatiba/korporasyon ang kanilang aplikasyon para sa Special Permit ay asahan na ang pagbabalik biyahe ng mga bus at van papasok at palabas ng Camarines Norte. Ang nasabing hakbang ay resulta ng mga napagkasunduan sa pagitan ng Provincial Incident Management Team, LTFRB, Sangguniang Panlalawigan, at mga kinatawan ng Transport groups sa lalawigan.
Blaise Henry E. Ilan
Camarines Norte News