29 PAARALAN SA DAET, MULING TUMANGGAP NG EDUCATIONAL SUPPLIES MULA SA LGU-DAET

29 PAARALAN SA DAET, MULING TUMANGGAP NG EDUCATIONAL SUPPLIES MULA SA LGU-DAET

Muling namahagi ng educational supplies ang Pamahalaang Lokal ng Daet para sa mga paaralan sa naturang bayan kanina, alas-dos ng hapon na ginanap sa 3rd floor, Daet Municipal Bldg. sa Barangay Pamorangon.

Umabot sa 87 na bagong printers at 29 boxes ng mga bondpaper ang ipinamahagi sa naturang programa.

29 na paaralan ang naging benepisyaryo kung saan tumanggap ang mga ito ng tig-tatatlong printer at tig-iisang box ng bondpaper sa pamamagitan ng kanilang mga Punong Guro.

Ang nasabing supplies ay mula sa Special Education Funds na inilaan ng Daet Municipal School Board upang magsilbing tulong sa pag-iimprenta ng mga Student Learning Modules o SLM para sa mga estudyante.

Matatandaan na namahagi na rin ng printers at bondpaper ang LGU sa pangunguna ni Councilor Eliza Llovit, Committee on Education at Mayor Benito Ochoa, noong naguumpisa pa lamang ang implementantasyon ng distance learning sa bayan.

Samantala, tiniyak naman ng pamahalaan na nasunod ang Minimun Health Protocols sa isinagawang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *