₱1.2M NA HALAGA MULA APPL, IPINAMAHAGI SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

₱1.2M NA HALAGA MULA APPL, IPINAMAHAGI SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mamamayan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD ang Php1.2M na halaga mula sa Ang Probinsyano Party-list.

Umabot sa 240 na benepisyaro ang tumanggap ng naturang ayuda.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng gobernador ng lalawigan, Gov. Edgardo Tallado, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Nida Navarro Tosoc.

Sinaksihan din ng ilan sa staff ng APPL ang pamamahagi ng ayuda.

Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Panlalawigan sa naturang party-list dahil sa inilaan sa tulong sa mga residente nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.