Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang ipatutupad na Online Travel Pass System sa pamamagitan ng pagsasailalim sa lahat ng concerned agencies and staff sa naturang lalawigan.
Kahapon, sinimulan nang isailalim sa nasabing oryentasyon ang Disaster Risk Reduction and Management Officers sa 12 bayan sa lalawigan.
Ito ay kaugnay ng ipinalabas na kautusan ni Governor Edgardo Tallado ukol sa pagpapahintulot na ng pagbyahe ng mga pampublikong bus at van sa darating na buwan ng Pebrero, kung saan inaasahan na ang pagtaas ng bilang ng mga biyahero.
Layon ng online application na mapadali ang proseso ng pagkuha ng travel pass ng mga biyahero oras na makatugon na ang mga bus at van operators sa hinihinging requirements para sa special permit.