607 BENEFICIARIES NG CAMARINES NORTE, TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA DTI

Tumanggap ng livelihood assistance ang 607 na beneficiaries sa probinsya ng Camarines Norte mula sa Department of Trade and Industry (DTI) bilang tugon ng ahensya sa Social Amelioration Program (SAP) ng National Government.

Mahigit Php.5M halaga ang naipamahagi sa mga benepisyaryo base sa isinagawang virtual discussion at “Talakayan sa PIA” na pinangunahan ni DTI Officer-In-Charge Christine A. Rivera.

Kabilang sa mga nakatanggap ng livelihood assistance ay ang mga mamamayang nasa ilalim ng programang DTI-Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (DTI-PPG), Livelihood-Seeding Program-Negosyo sa Barangay (LSP-NSB), at Techno-transfer activities for existing Micro Small and Medium Enterprises.

Nagkaroon din ng Loan Facilitation Program sa pamamagitan ng Pondon sa Pagbabago at Pag-asenso COVID-19 Assistance to restart Enterprises (P3-CARES) na pinag-laanan ng Php.11.9 Million kung saan 190 Cam Norteño ang nagavail ng loan na walang interest.

Ang 15 benepisyaryo sa ilalim ng DTI-PPG na Former Rebels (FRs), pamilya ng isang sundalo na napatay habang nakikipag-engkwentro, at ang 227 mula sa Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) ay tumanggap ng tig- Php10,000.00 halaga ng livelihood kit bawat isa.

Ang 253 beneficiaries naman mula sa LSP-NSB na lubhang naapektuhan ng pandemic at mga nagdaang bagyo ay tumanggap ng tig-P8,000 livelihood kit.

Sa sektor naman ng MSMEs ay isinailalim ang mga benepisyaryo sa training na naghatid ng kaalaman ukol sa bagong paraan ng paggawa ng produkto at tumanggap din ang mga ito ng tig-Php7,000.00 halaga ng livelihood kit.

Samantala, nagkaroon din ng Loan Facilitation Program sa pamamagitan ng Pondon sa Pagbabago at Pag-asenso COVID-19 Assistance to restart Enterprises (P3-CARES) na pinag-laanan ng Php.11.9 Million kung saan 190 nagavail ng loan na walang interest.

Ang mga Negosyo Center ay matatagpuan sa munisipyo ng Basud, Daet, Mercedes, Labo, Jose Panganiban, Sta. Elena, Vinzons, Paracale at sa DTI-Provincial Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *