Isinagawa na ang Ground Breaking Ceremony ng itatayong Hotel and Convention Center ng lalawigan ng Camarines Norte nitong Martes, January 26, 2021 na ginanap Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte kung saan itatayo ang naturang istruktura.
Pinangunahan ang seremonya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Edgardo A. Tallado, kasama sina 1st District Representative Josie Baning Tallado, 2nd District Representative Marisol “Toots” Panotes habang dumalo rin ang iba pang mga kawani ng pamahalaan.
Matatandaan na noong buwan ng Nobyembre, taong 2020 ay inprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang pag-loan ng Provincial Government of Camarines Norte ng budget para sa pagtatayo ng naturang Hotel and Convention Center ng lalawigan
700 Milyon ang halaga ng itatayong tatlong palapag na imprastraktura na mapopondohan sa pamamagitan ng paghiram ng PGCN sa lending banks sa lalawigan.
Ang Hotel and Convention Center magiging Income Generating Project (IGP) at magiging malaking tulong din umano sa turismo ng lalawigan maging sa employment at livelihood ng mga mamamayan.