PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON PAPASOK AT PALABAS NG CAMARINES NORTE, BALIK OPERASYON NA SA SUSUNOD NA LINGGO

Balik operasyon na ang mga pampublikong transportasyon na papasok at palabas ng lalawigan ng Camarines Norte sa darating na Lunes, February 8, 2021.

Ito ay batay sa ipanalabas na Kautusang Tagapagpaganap Blg 01-A s.2021 ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kanina, kung saan partikular din na nakasaad ang pagtatakda ng mga alituntunin para sa mga babyaheng transportasyon sa buong lalawigan habang kasalukuyang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ.

Ayon dito, tanging ang mga pampublikong sasakyan na may rutang Daet-Naga-Daet o Daet-Manila-Daet ang pahihintulutang bumiyahe at limitado lamang hanggang 60% ng kabuuang Unit ng mga sasakyan sa ilalim ng alituntunin ng Provincial Task Force-Covid-19.

Kinakailangan din na ang mga pampublikong bus at van ay mayroong aprubadong special permit mula sa LTFRB at aprubadong vehicle license mula sa LTO.

Para sa mga Driver at Kundoktor naman ay kinakailangan na mayroong Medical Certificate ang mga ito mula sa Municipal Health Units kaakibat din ang negatibong resulta ng COVID-19 RT-PCR Test o Rapid Antigen Test habang ang mga pasaherong sasakay naman ay kailangan na mayroong travel pass at QR code na kinuha mula sa online Travel Pass Application.

Nakasaad din sa naturang EO na 50% lamang ng kaasidad ng sasakyan ang maaaring sumakay at ipagbabawal din ang pagkain at pakikipag-usap habang nasa loob ng mga sasakyan.

Inaatasan din ang mga drayber at konduktor na maglagay ng limang kopya ng contract-tracing form na nakasaad ang personal details ng mga pasahero.

Mahigpit ding ipatutupad ang pagsagawa ng mga ito ng disinfection at sanitation sa kanilang mga units bago magsakay at pagkatapos magbaba ng mga pasahero.

Point to Point din ang ipatutupad sa bawat biyahe kung kayat magbababa at magsasakay lamang ng pasahero sa mga designated terminals

Leave a Reply

Your email address will not be published.