Niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol simula 5:45 hanggang 6:08 ngayong umaga ang lalawigan ng Camarines Norte iyan ay base sa naging ulat ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology).
Unang naitala ang Magnitude 2.6 na lindol sa bayan ng Paracale, sinundan ng Magnitude 5.4 na siyang pinamalakas, at panghuli ay isang Magnitude 3.7 sa bayan ng Vinzons.
Ang nasabing lindol ay naramdaman rin sa mga karatig probinsiya ng Quezon, Camarines Sur, at maging sa ilang parte ng Metro Manila. Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala namang naiulat na pinsala o nasugatan sa nasabing lindol.
Kaugnay nito ay niyanig rin ng mahihinang lindol kaninang madaling araw ang ilang probinsya sa Mindanao.
Blaise Henry E. Ilan
Camarines Norte News