Tumanggap ng hygienic kits ang mga mag-aaral ng Day Care Centers sa probinsya ng Camarines Norte mula sa Pamahalaang Panlalawigan kahapon, February 3, 2021.
Umabot sa 13,640 ang kabuuan na mga benepisyaryo ng naturang distribution kung saan tinanggap nila ito sa pamamagitan ng Child Development Workers sa bawat munisipyo.
Laman ng mga naturang kits ay masks, mga bimpo, at sabon na pangunahing kailangan sa paghuhugas ng kamay at paglinis ng katawan.
Ayon kay acting Provincial Social Welfare and Development Officer (PSWDO) Cynthia dela Cruz, minabuti nila na ang mga nabanggit na kagamitan ang ipamahagi, upang makatulog sa pag-iwas sa kasalukuyang kinakaharap na pandemic.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay namahagi rin ang pamahalaan ng hygienic kits laman naman ang toothbrush at polypaste.