PESO-LGU DAET, NAGPALABAS NG ANUNSIYO SA MGA CAMNORTEÑONG NAGHAHANAP NG TRABAHO

Nangangailagan ng isang Shift Manager ang isang restaurant sa malapit nang buksan na establisyimento ng SM City Daet sa Daet, Camarines Norte.

Ito ay base sa inanunsiyo ng Public Employment Service Office (PESO) -LGU Daet sa isa sa kanilang official facebook account posts ngayong araw, February 4, 2021.

Ayon dito, kasalukuyang bakante ang posisyon bilang Shift Manager sa Classic Savory SM City Daet, kung saan kinakailangan na mayroong isang taon na pinaka-mababa na karasan bilang isang manager ng Fast food o Casual Dining Restaurant ang isang aplikante.

Kinakailangan din na ito ay isang college graduate o 2-year course graduate, ngunit nilinaw naman na hindi ito bukas para sa mga fresh graduates.

Ang mapipili sa posisyon ay sasailalim sa training sa SM Naga o sa SM Legazpi.

Ang mga interesado na indibidwal ay maaari umano na magsumite ng kanilang resume sa headofficerecruitment@classicsavory.com at ilagay lamang sa subject line ng liham ang SHIFT MANAGER – SM DAET.

Leave a Reply

Your email address will not be published.