Online Travel Pass Application website maaari nang ma-access ng mga taga Camarines Norte!

Maaari nang ma-access ng mga mamamayan sa lalawigan ng Camarines Norte ang bagong Online Travel Pass Application website ng Pamahalaang Panlalawigan, ito ay upang mas mapabilis at mapadali ang pagproseso ng mga Travel Pass ngayong inaasahan ang bugso ng mga biyahero dahil sa muling pagbabalik operasyon ng mga pampublikong transportasyon palabas ng Camarines Norte.

Bunsod nito, hindi na kinakailangan pang pumila at magkumpulan ng mga tao sa opisina upang maghintay na irelease ang kanilang travel pass, bagkus maari nang kumuha nito saan mang lugar kada alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon (Lunes – Biyernes) basta may maayos na Internet connection sa kinalalagyan.

Narito ang mga hakbang sa Online Travel Pass Application:

  1. Magtungo at iclick ang website na http://camnortetravelpass.com/ upang magsimula.
  2. Basahin ang Data Privacy Statement at iclick ang Agree at Next. 
  3. Ilagay sa website ang mga kinakailangang impormasyon tulad ng Pangalan, contact details, kasarian, civil status, address, birth date, educational attainment at trabaho. 
  4. Ilagay ang mga hinihinging detalye gamit ang anumang valid ID. 
  5. Ilagay ang mga detalye ng pagbyahe tulad ng saan magmumula at destinasyon, rason ng pagbiyahe, petsa ng pagbiyahe, at uri at plate number ng sasakyang gagamitin. 
  6. Ilagay ang petsa ng issuance ng barangay certificate, medical certificate, at negatibong RT-PCR o Rapid Antigen Test. 
  7. Ihanda ang mga scanned digital/soft copy ng nabanggit na dokumento sa number 6 at iba pang supporting documents para iupload sa website.
  8. Pagkatapos ng kabuuang proseso, oras na maaprubahan at ma-assess ang aplikasyon ay makakatanggap ng notification of approval ang applicant gayundin ng link para iprint ang electronic travel pass authorization na siya namang ipapakita sa mga checkpoint sa oras ng biyahe.
  9. Karagdagang tip: Ihanda ang printed at digital copy ng travel pass authorization upang maiwasan ang ilang mga aberya. Mainam rin na magpasiguro ng maraming kopya.

Para sa mga karagdagang katanungan sa pag-access ng website ay maaring itext ang mga numerong:

Smart: 09985615388

Globe: 09175839147 

Blaise Henry Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *