CASH AND FOOD SUBSIDY, IPINAMAHAGI SA MARGINALIZED COCONUT FARMERS SA CAMARINES NORTE

CASH AND FOOD SUBSIDY, IPINAMAHAGI SA MARGINALIZED COCONUT FARMERS SA CAMARINES NORTE

Tumanggap ang 201 Marginalized Coconut Farmers ng Camarines Norte ng Php 3,000.00 bawat isa at food packs laman ang bigas, karne ng manok at itlog mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) nitong Huwebes, February 4, na isinagawa sa Camarines Norte Agro Sports Center.

Kasabay nito ay namahagi rin ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) at Provincial Agriculture Office (OPAG) ng limang (5) farm machineries sa mga farmers association.

Kabilang sa mga tumanggap ng Hand tractor and trailer with palay tresher ang Barangay Malibago Integrated Farmers Association, Barangay Labo United Farmers Association, at Barangay Sta Cruz Farmers Association.

Sinabi ni Governor Edgardo Tallado na ramdam nila ang hirap na pinagdadaanan ng mga mamamayan bunsod ng pandemya at sunod sunod na mga bagyo na tumama sa lalawigan noong nakaraang taon kung kaya’t minabuti nila na maiabot ang mga naturang ayuda.

Ang distribution ng cash vouchers, food items at machieneries ay pinangunahan nina Provincial Agriculturist Engr. Almirante Abad, PCA OIC Division Chief Basilio C Ababa, katuwang sina Governor Edgardo Tallado, at Provincial Administrator Alvin Tallado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *