MULTI SERVICES CARAVAN, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA ANIM NA BARANGAY SA BAYAN NG LABO

MULTI SERVICES CARAVAN, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA ANIM NA BARANGAY SA BAYAN NG LABO

Matagumpay na nakapaghatid ng tulong sa mga mamamayanna ikinatuwa naman ng mga residente sa pamamagitan ng Multi Services Caravan noong February 4 at 5, 2021 sa bayan ng Labo ang Team Gawa sa pangunguna ni Cong. Josie Tallado.

Anim na barangay kasama ang Mahawan-hawan, Calabasa, Pang-pang, Awitan, Bagacay at Fundado ang mga barangay na binisita ng Team Gawa kasama si Cong. Josie at ilang bokal ng 1st District.

Namigay ng tsinelas, reading glass, gamot at food packs bilang tulong sa mga nangangailang mamamayan ng mga nasabing barangay.

Ang Multi-Services Caravan ay isa sa pangunahing programa ni Governor Tallado na nagpapatuloy sa kasalukuyan simula nang siya ay manungkulan noong taong 2010 na sa kanyang paniniwala na ang kalusugan ay kayamanan hindi lamang ng isang indibidwal kundi ng ating bansa na ang katatagan, pagka-produktibo at kaunlaran ay nakasalig sa malulusog na mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.