Tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyo ang barangay ng San Antonio, Kalamunding at Gumamela sa bayan ng Labo kaninang umaga, February 10 na inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kabuuang 1,531 households ang aging benepisyaryo ng ginanap na Multi-Services Caravan kung saan tumanggap ang mga ito ng libreng tsinelas, gamot, gupit, dental services, reading glasses, faceshields, food packs at iba pa.
Ang naturang programa ay pinangunahan nina Governor Edgardo Tallado, Congresswoman Josefina B. Tallado, Provincial Administrator Alvin Tallado katuwang rin sina Vice Governor-Elect Jonah G. Pimentel, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at ilang mga kawani ng kapitolyo na pinamumunuan naman ni Mr. Edgardo Boy Reyes bilang Caravan Director.
Samantala, bukas araw ng Huwebes, February 11, 2021 ay tutulak naman ang grupo ng Multi-Services Caravan sa bayan ng Paracale partikular sa barangay ng Tawig, Casalugan at Tugos.