ISANG BAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA BAYAN NG DAET; MAYOR B2K, NAGLABAS NG OPISYAL NA PAHAYAG

Muling may naitalang isang (1) bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet, Camarines Norte nitong Martes, February 9 batay sa ulat ng Department of Health -Bicol.

Ito ang nilalaman ng Opisyal na Pahayag ni Daet Mayor Benito “B2K” Ochoa kahapon, February 10, na ipinalabas ngayong araw, February 11 sa pamamagitan ng Municipal Information Office (MIO) nito.

Ang bagong kaso ng naturang sakit ay may code na Bicol #4518, isang lalaki, 51 anyos, at isang driver.

Nakatira ito sa Barangay Camambugan, Daet Camarines Norte at mayroon umano itong travel history sa Legazpi City sa Albay.

Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa nalalaman ang history of exposure nito.

Kaugnay nito, umapela ang alkalde ng pakikipag-isa mula sa mamayan ng naturang bayan sa pagsunod sa mga alituntunin upang mailayo ang bawat-isa sa peligro at posibleng pagkahawa sa sakit na COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.