CNPPO PD, PCOL GUADAMOR, NAGCOURTESY CALL KAY MAYOR B2K

Nagcourtesy call si PCol Julius D Guadamor, Police Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) kay Daet Mayor Benito “B2K” Ochoa, kaninang hapon, February 15, 2021.

Ito ay upang ilahad ng una ang issues at concerns nito ukol sa sitwasyon ng Peace and Order sa bayan ng Daet at upang pag usapan ang mga plano at programa ng CNPPO tungo sa mas ligtas na lalawigan ng Camarines Norte.

Kabilang sa mga naturang plano umano ay ang reactivation ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection o TOPCOP upang paigtingin ang police visibility lalo na sa Cory Aquino Boulevard.

Gayundin ang pagkakaroon at pagpapaigting ng checkpoint sa gabi sa upang maiwasan ang mga aksidente.

Ipinahayag naman ni Mayor Ochoa na makakaasa ang CNPPO at ang Daet Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PLTCOL Chito M Oyardo, ng suporta mula sa lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.