REACTIVATION NG TOPCOP, SUPORTADO NG LGU-DAET

Ipinahayag ni Daet Mayor Benito “B2K” Ochoa na makakaasa ang Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) at ang ang Daet Municipal Police Station (MPS) ng suporta mula sa Lokal na Pamahalaan ng Daet.

Ito ay kaugnay ng planong reactivation ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) ng pulisya.

Ang TOPCOP ay isa mga magiging daan umano  upang paigtingin ang police visibility sa lalawigan lalo na sa Cory Aquino Boulevard.

Ang usapan ay natalakay nang magcourtesy call si PCol Julius D Guadamor, Police Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) kay Daet Mayor Ochoa, kahapon, February 15, 2021.

Kabilang din sa natalakay ang pagkakaroon at pagpapaigting ng checkpoint sa gabi sa upang maiwasan ang mga aksidente.

Inilahad ni Pcol Guadamor ang issues at concerns nito ukol sa sitwasyon ng Peace and Order sa bayan ng Daet at upang pag usapan ang mga plano at programa ng CNPPO tungo sa mas ligtas na lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.