2ND SEMESTER P5K ALLOWANCE, NATANGGAP NA NG FIRST BATCH NG 460 SCHOLARS NG LGU-DAET

Natanggap na ng first batch ng 460 scholars ng LGU-Daet ang kanilang P 5,000.00 allowance para sa second semester ng school year 2020-2021.

Nitong February 19, 2021 isinagawa ang pamamahagi ng nasabing allowance para sa mga grantee.

Layon nito na matulungan ang mga benepisyaryo maging kanilang mga magulang na maitawid ang kanilang mga gastusin sa pag aaral.

Ipinaalala rin sa mga benepisyaryo ang mga panuntunan na dapat nilang sundin upang mapanatili ang kanilang scholarship grant at magtuloy tuloy ito hanggang sa matapos ang kanilang pag aaral.

Pinangunahan ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Daet ang pamamahagi, kung saan personal ito na tinanggap ng mga estudyante.

Siniguro naman ng tanggapan na nasusunod ang health and safety protocols sa mga kagaya na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.