EDUCATIONAL SUPPLIES MULA LGU-DAET, MULING NATANGGAP NG 29 NA PAARALAN

Muling namahagi ng educational supplies ang Pamahalaang Lokal ng Daet para sa 29 paaralan sa naturang bayan.

Bondpapers at inks ang ipinamahagi ng LGU na magsisilbing tulong para sa pagiimprenta ng modules ng mga estudyante.

Matatandaan na namahagi na rin ng printers at bondpaper ang LGU sa pangunguna ni Councilor Eliza Llovit, Committee on Education at Mayor Benito Ochoa, noong naguumpisa pa lamang ang implementantasyon ng distance learning sa bayan.

Samantala, tiniyak naman ng pamahalaan na nasunod ang Minimun Health Protocols sa isinagawang aktibidad.

Inaasahan din na magpapatuloy ang mga kagayang aktibidad mula sa LGU na malaking tulong sa mga guro, partikular sa mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published.