MULTI SERVICES CARAVAN ISINAGAWA SA BRGY. BAGONG SILANG II, BAGONG SILANG III, AT EXCIBAN SA BAYAN NG LABO; GROUNDBREAKING NG CONREATING ROAD SA BAGONG SILANG, ISINABAY!

MULTI SERVICES CARAVAN ISINAGAWA SA BRGY. BAGONG SILANG II, BAGONG SILANG III, AT EXCIBAN SA BAYAN NG LABO; GROUNDBREAKING NG CONREATING ROAD SA BAGONG SILANG, ISINABAY!

Pinuntahan Ni Cong. Josefina B. Tallado ang mga Barangay ng Bagong Silang II, Bagong Silang III at ang kaniyang sariling barangay, Brgy. Exciban sa isinagawang Multi-Services Caravan nitong ika-18 ng Pebrero, 2021 sa bayan ng Labo.

Matagumpay na nakapaghatid ng tulong sa mga mamamayan ang Congresswoman na ikinatuwa naman ng mga residente.

Masaya naman si Cong. Josie sa pagbisita niya sa kaniyang sariling barangay, sa Brgy. Exciban kung saan pahayag nito na damang dama niya ang yakap ng pagmamahal ng kaniyang mga ka-barangay dito.

Samantala, isinagawa rin ang groundbreaking ng concreating road sa Brgy. Bagong Silang II kasabay ng Multi Services Caravan sa kanilang barangay.

Dinaluhan din ang groundbreaking nina Governor Edgardo Tallado, Vice Govover-elect Jonah Pimentel, Provincial Adminstor Alvin A. Tallado at Board Member Bong Quibral.

Ang nasabing concreating road ay mula sa Purok 4 ng Bagong Silang II patungong Bagong Silang III na nagkakahalagang Php20M.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Epitacio Valles ng Bagong Silang II para sa proyekto na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.