San Lorenzo Ruiz – Pinangunahan nina Governor Edgardo Angeles Tallado at Provincial Administrator Alvin Tallado kasama ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Acting Vice Governor Concon Panotes, Board Members Joseph Stanley Alegre at Renato Atoy Moreno ang Multi Services Caravan sa 3 barangay ng San Lorenzo Ruiz ngayong araw, February 19, 2020.
Umabot sa kabuuang 1,171 na households mula sa mga barangay ng Langga, Mampurog at Dagotdotan ang nakatanggap ng libre hatid ng Serbisyong Tallado.1. Langga – 200 households2. Mampurog – 700 households3. Dagotdotan – 271 householdsDala pa rin ng Multi-Services Caravan ang iba’t ibang serbisyo katulad ng libreng kosultasyon at gamot para sa mga may karamdaman, vitamis para sa mga buntis, mga bata at matatanda, libreng bunot ng ngipin, libreng reading glass.
Sinabi ni Governor Egay, mas dinagdagan nila ngayong taon ang pinamimigay na mga pagkain katulad ng delata, bigas, asukal, gatas at iba pa.Ipapamahagi din sa isinagawang caravan ang pantanim na mga punongkahoy, bungang-kahoy at mga butong gulay, libreng bitamina sa mga alagaing-hayop at tilapia fingerlings.
Maliban pa dito, ipaaabot din ng Community Affairs Office (CAO) ang programang pang-edukasyon ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Camarines Norte Provincial Government College Education Assistance Program (CNPGCEAP) para sa mga kwalipikadong pumasok sa kolehiyo. Bukod sa tulong na pang-edukasyon, inihahatid din ng Multi-Services Caravan ang mga oportunidad sa trabahong lokal at internasyunal man sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).
Ang Multi-Services Caravan ay isa sa pangunahing programa ni Governor Tallado na nagpapatuloy sa kasalukuyan simula nang siya ay manungkulan noong taong 2010 na sa kanyang paniniwala na ang kalusugan ay kayamanan hindi lamang ng isang indibidwal kundi ng ating bansa na ang katatagan, pagka-produktibo at kaunlaran ay nakasalig sa malulusog na mga mamamayan.