9 NA BARANGAY MULA SA LABO AT CAPALONGA, NAHATIRAN NG TEAM GAWA NG MULTI-SERVICES CARAVAN; MGA PUNONG BARANGAYS, TODO ANG NAGING PASASALAMAT SA MGA PROYEKTONG ILALATAG PARA SA KANILA

9 NA BARANGAY MULA SA LABO AT CAPALONGA, NAHATIRAN NG TEAM GAWA NG MULTI-SERVICES CARAVAN; MGA PUNONG BARANGAYS, TODO ANG NAGING PASASALAMAT SA MGA PROYEKTONG ILALATAG PARA SA KANILA

Camarines Norte – Sa patuloy na paghahatid ng Serbisyong Tallado sa ating mga kalalawigan, umarangkada sa siyam (9) na barangay nitong nakalipas na Huwebes at Biyernes (February 18 at 19, 2021) ang Multi-Services Caravan sa pamamagitan ng #TeamGawa, bahagi ng hakbangin upang makatulong ang mga ito sa mga pami-pamilya sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo.

Nitong araw ng Huwebes, isinagawa ang Caravan sa tatlong barangay ng bayan ng Labo at ito ay ang Bagong Silang II, Bagong Silang III at Exciban na kung saan mainit ang ginawang pagtanggap ng mga Punong Barangay.

Samantala, nitong Biyernes ng umaga, tinungo naman ang bayan ng Capalonga upang magsagawa rin ng parehas na aktibidades, ang mga barangay ng Itok, Poblacion at Catioan. Pagsapit ng hapon ng mismong araw ay ang Mabini, Mactang at Camagsaan na kung saan present si Mayor Luz Ricasio ng nasabing bayan.

Ilang mga serbisyo natanggap ng mga barangay ay ang libreng tsinelas, gamot, gupit, dental services, libreng reading glasses, faceshields, food packs at iba pa.

Ang Multi-Services Caravan ay naisakatuparan sa pangunguna nina Governor Edgardo Angeles Tallado, Congresswoman Josefina B. Tallado at Provincial Administrator Alvin Tallado. Katuwang rin sa ginawang caravan sina Vice Governor-Elect Jonah G. Pimentel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ilang kawani ng kapitolyo na pinamumunuan naman ni Mr. Edgardo Boy Edgardo Reyes bilang Caravan Director.

Kasabay ng aktibidades, nagsagawa rin ng mga Ground Breaking Ceremony ng gagawing pagpapakonkreto ng mga kalsada sa kabuuang halaga na Php386,950,000 sa mga barangay na binisita ng mga lingkod bayan.

Positibo ang naging pagtanggap dito ng mga mamamayan ng mga nasabing barangay na nagpahayag ng pasasalamat sa mga proyektong ilalatag para sa kanila.

Sa kabilang banda, nagsagawa rin ng Blessing and Turn over ng bagong building sa Capalonga Medicare and Community Hospital na matatagpuan sa barangay Catioan na kung saan kanilang magagamit para sa stock room ng mga medical supply at magsisilbi ring pharmacy ng nasabing pagamutan. Ang proyektong ito ay nagkakahalagang Php2.3M.

Ayon kay Dr. Jose Vernon A. Banal, COH 1-OIC CMCH, ngayon ay mas maayos at malawak na pasilidad na ang kanilang magagamit para sa mga mamamayan at isang hakbang na rin ito para mas mapagbuti ang serbisyong maibibigay nila para sa bayan ng Capalonga.

Ang Philippine National Police mula sa dalawang bayang nabanggit ang nangasiwa at mahigpit na nagpatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing upang maiwasan ang posibleng pagkahawa mula sa COVID-19.

Sa susunod namang linggo, araw ng Miyerkules (February 24, 2021) tutunguhin ng grupo ng Multi-Services Caravan partikular sa mga barangay ng Lugui, Tulay na Lupa at Benit ng bayan ng Labo. Sa February 26, 2021 (Biyernes) ay ang Mambungalon, Maguisoc at Cayucyucan ng bayan ng Mercedes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.