ROAD CLEARING CONCERNS NG MGA MAMAYAN, BINIGYANG PANSIN NG LGU-DAET

Inanunsiyo ng LGU-Daet ang listahan ng Road Clearing Grievance Mechanism Help Desks nito sa pamamagitan ng facebook page ng Daet Municipal Information Office (MIO) nito para sa mga mamamayan ng naturang munisipalidad kahapon, February 22, 2021.

Ito ay kaugnay ng kasalukuyang isinasagawa na road clearing  na sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Nakasaad dito na kung mayroong hinaing o reklamo sa isinasagawang aktibidad ay maari na magtungo at magsumite ng suhestiyon sa mga itinakdang lugar  ng LGU.

Kabilang dito ang Municipal hall Lobby, 1st Floor, New Municipal Hall Building, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Maaari rin na magtungo sa Daet Public Safety and Traffic Management Unit Office, 2nd Floor, Daet Elevated Town Plaza gayundin sa Daet Public Market Office, 2nd Floor, Daet Public Market.

Sa mga nais naman na ipabatid ang kanilang reklamo sa personal ay maari lamang na magtungo sa Road Clearing Help Desk sa Municipal Information Office (MIO) sa 2nd Floor, New Municipal Hall Building.

Maaari rin umano na magpadala ng mensahe o tumawag sa numerong 0968-204-7586 kaugnay ng hinaing ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.