PNP, TUMATANGGAP NA NG APLIKASYON MULA SA MGA NAIS MAGING PULIS

PNP, TUMATANGGAP NA NG APLIKASYON MULA SA MGA NAIS MAGING PULIS

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/02/FB_IMG_1614166604444-273x300.jpg

Nagsisimula nang tumanggap ng aplikasyon mula sa mga nagnanais maging pulis ang Philippine National Police (PNP), para sa taong 2021 base sa ipinalabas na anunsyo ng Camarines Norte Police Provincial Office o CNPPO.

Bukas na ang aplikasyon sa mga Philippine Citizen na dapat ay mayroong good moral character, at isang Baccalaurette degree holder.

Kinakailangan din na mayroong eligibility kagaya ng PNP entrance Exam (NAPOLCOM), Civil Service Professional, Republic Act No. 1080 (Board or Bar Examination), o maaari rin naman ang PD. No. 907 (CS Eligibility to College Honor Graduates).

Kailangan din na naipasa ang psychiatric, psychological, drug at physical tests na ibinigay ng PNP.

Maaari rin na makipagugnayan sa PNP Recruitment and Selection Service – PNP RSS Facebook page sa link na ito https://www.facebook.com/pnprss o magtungo sa Camp Wenceslao Vinzons, Brgy. Dogongan Daet, Camarines Norte, kaugnay ng aplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *