GROUNDBREAKING CEREMONY NG CONCRETING NG LUGUI ROAD SA LABO, ISINAGAWA

GROUNDBREAKING CEREMONY NG CONCRETING NG LUGUI ROAD SA LABO, ISINAGAWA

Isinagawa kahapon ang Groundbreaking Ceremony ng Concreting ng Lugui Road sa bayan ng Labo sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang kinatawan ng Unang Distrito, Josie Baning Tallado.

Ang isasagawang pagkokongkreto ng naturang kalasada ay mag-uugnay sa barangay ng Lugui, Benit at Napaod.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/02/received_242651957403130-300x182.jpeg

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga na 130 Milyong Piso na inilaan upang mapadali ang transportasyon ng mga produkto sa mga naturang lugar patungo sa pamilihang bayan.
Ito ay isa sa mga proyekto ni Congresswoman Tallado na personal na dumalo sa nasabing programa.

“Bilang inyong kinatawan, tungkulin lamang namin na muling ibalik sa kapakinabangan ng ating mamamayan ang buwis na kanilang inilalagak sa ating pamahalaan”, pahayag ng kongresista.http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/02/received_430036921411512-300x182.jpeg

Nagpasalamat si Punong Barangay Sonian Velante dahil sa proyekto na ilalagak sa kanilang barangay kabilang na rin umano ang mga nakaraang proyekto na dagdag sa kaunlaran ng kaniyang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *